Dear Love,
Good morning! Hi, ako na naman. Sawa ka na ba sa paulit-ulit kong drama? Sorry naman.
Natutuwa ako, naging ako ngayong umaga tas pag-open ng twitter ko, binura ko na agad yung messages namin sa Twitter. Yung message ko sa kanya napinost ko sa Diary # 7 ko na hanggang ngayon wala pa din reply. Grabe no? Sobrang ngayon ko lang narealized na, wala na talaga syang pake sakin, kahit magreply man lang sana sya na "Ikaw din mag-iingat ka" o kaya "sorry" yung sincere sana pero wala. Tama nga ako, sobrang basura ko na sa paningin nya. So nakikipagtalo na nama ako sa sarili ko na, bakit ko pa binibigyan ng impprtansya tong tao na to, ano pang inaasahan ko sa kanya. Di na magbabago yun. Nakakalungkot man, pero hindi na maibabalik yung dating sya. Tanggapin na lang natin.
Ngayon ko lang naisip na sana nung sinabi nya na nagccheat sya at nung araw na pinigilan nya ako na wag umalis, sana that time, umalis nalang talaga ako. Na sana di na ako nag extend. Na sana pati yung konting pride na yun, sana di ko ginamit sa kanya na sana tinira ko na lang sakin kasi yun na lang meron ako nung time na yun. Siguro kasi that time, umaasa ako na gagawin nya yung tama.
Earlier today, binura ko na messages namin sa twitter, next step: Un-follow. Yes, naisip ko na masyado ako updated sa twitter at nabibigyan ko sya ng clue sa mga buhay buhay at ganap at kalagayan ko lalo na sa mga nararamdaman ko. Kasi for sure naman, di nya man direkta bisitahin twitter account ko, mababasa nya mga post ko sa dashboard nya. Gusto ko din maramdaman nya yung feeling na laging nag-iisip na ano nakayang ginagawa nya. Gusto ko sya ma curious, gusto ko tanungin nya sarili nya na, kamusta na kaya si Anna. Ano na kaya itsura nya, ano na kaya ginagawa nya ngayon. Lastly, ginawa ko private account ko. At least diba mapipigilan ko na rin sarili ko sa pagvview ng account nya kasi alam ko nakaprivate din yun. Kahit pa icheck ko yun, wala ako makikita. Siguro kaya di ko sya ma-unfollow dati, kasi lagi ko chinicheck account nya. Kasi sa twitter nya, andon pa yung mga pictures ko. Hanggat di nya binubura yun, umaasa lang ako na kahit papaano, gusto nya pa din na may maalala sya sakin. Ayaw ko na magkaron ng komunikasyon sa kanya. Ayaw ko muna sya isipin. Sabi ko nga, kelangan ko muna turuan puso ko magalit sa kanya, sa lahat ng kalokohn nya, sa lahat ng ginawa nya. Pagod na din ako. Pagod na ako na ako lagi gumawa ng way para magkaron ng communication, pagod na ako na pati sarili ko kelangan ko paasahin, na pati sarili ko kelangan ko saktan.
And isa pa, nakapagdecide na ako na di na ako sasama sa Baler. Para saan pa diba? I know na request yun ng family nya pero kapag ginawa ko yun, for sure magkikita at magkikita lang kami at kpag nangyari yun, uulit na naman ako s simula. Babalik na naman yung love, sakit and worst magmumukmok na naman ako. As in reset, back to 0 na naman at mahihirapan na naman ako. Lalo na kapag nasa isang bahay, sasakyan at lugar lang kami. Tas magiging masakit sakin yun lalo na kapag di naman kami magpapansinan. O kaya mas masakit kapag dinala or sinama nya din yung girl don. Mas masakit.
Mamaya ang gagawin ko, susubukan ko na burahin mga pics or albums namin sa FB.
Konti na lang Anna, malapit ka na. Sa susunod, maalala mo na lang sya pero wala ka na mararamdaman. Almost there!




















