Dear Love,
Namimiss na kita. Di ko magawang di ka isipin. Nakakainis. Pati sarili ko kinakalaban desisyon na ginawa ko. Gulo!
Anyway, ngayon gusto ko muna magpaka-bitter, gusto ko muna magalit, gusto ko muna kahit papaano ipakita sayo na wala na ako pake, na good ako kahit wala ka.
Pero masakit pa din isipin na araw araw, magkasama kayo sa office nyo, araw araw kayo nag hholding hands, kiss, and sweet. At araw araw, lumalalim yung love mo sa kanya. Masakit!
Pero walang araw na di ko pinagdadasal na sana bumalik yung dating ikaw. Na sana dumating yung araw na, ikaw naman lumapit, na ikaw naman gumawa ng paraan para makita ako, makausap at makasama ako. Sana dumating yung araw na narealize mo kung ano ang nawala sayo. Kasi sigurado ako na sa panahon na yun, lahat ng ginawa mo sakin babalik sayo. Yung mga masasakit na salita na natanggap ko sayo, sasabihin ko din sayo. Yung mga sampal na ginawa mo sakin lalo na yung pinili mo sya, matitikman mo din. Lahat ng sakit na binigay mo sakin lalo na sa durog na durog kong puso, mararamdaman mo din. Gusto ko ibalik sayo yun. Para alam mo yung feeling nang nagmamakaawa, nasaktan, rejection. Yung kahit durog na durog na yung pride mo ikaw pa din gumawa ng paraan para magkabalikan kayo tas marereject ka. At kagaya mo, itutulak din kita papalayo sakin.
Alam ko dapat hindi na ako nag-iisip ng ganitong bagay. Sorry pero sa ngayon, tinuturuan ko muna magalit sa inyo. Sa lahat ng ginawa nila sakin. Para di na ako maapektuhan sa lahat ng mga nakikita ko. At habang hinihintay ko ang pagkakataon na to, mag momove on na din ako. Sasanayan ko na sarili ko.