Saturday, March 28, 2015

Ang sabi ng Bigo #6

Posted by palacioslala
Dear Love,

I just wanna say goodbye to you, to our "dreams" & "future". And yes, Gusto ko isa-isahin yun.
  • Paalam sa pangarap natin maging Mr. and Mrs.. Masarap sana sa pakiramdam na magamit ang apelyido mo.
  • Paalam sa name ng magiging baby natin na si Mary Cloud at sa mga pangalan na gusto mo ipangalan sa magiging baby natin. 
  • Paalam sa mga pangako na ibinigay mo sakin, lalo na yung sinabi mong ako ang gusto mo makasama sa buhay na gusto mo. Sa lahat yun ang pinanghawakan ko kaya siguro ilibing na din natin to sa limot.
  • Ibaon na din natin sa limot yung mga mamatamis na salitang binitawan mo. Pati na din sa mga pagpapakilig mo. Yes, kinikilig ako lagi kapag sinasabi mo yung mga bagay na gusto ko marinig mula sayo.
  • Paalam na din sa dream wedding na gusto ko at gusto mo "beach wedding" at "church wedding", buti na lang di nafinalize to kung saan ba talaga dapat gagawin.
  • Isama mo na din yung kantang "A Thousand years" ni Christina Perri na gagamitin sana sa pina-planong kasal natin. Lalo na yung dream ko na habang hinihintay mo ako papalapit sayo, gusto ko nagpa-piano ka, kumakanta at nakatitig sakin.
  • Paalam na din sa plano nating pagpapakasal, di ba promise natin nun by the age of 25, magssettle na tayo? 3 years na lang sana yun.
  • Paalam sa mga plano natin. Lalo na sa plano kasi sa next anniv sana, I wanna surprise you. Gusto ko magbakasyon ng tayong dalawa lang. Gusto ko masolo natin ang isa't isa.
  • Paalam sa mga pinaplano nating gawin kapag nakapagsettle na tayo.
  • Sa mga pag kanta mo sakin kapag magkagalit tayo o pagkanta mo sakin bigla bigla, sa mga sweet words and messages mo. Paalam.
  • At higit sa lahat. Paalam sa lalakeng sobrang minahal ko. Paalam sa lalakeng nagpasaya sakin sa 4 n taon. Salamat sa lalakeng nagbigay ng importansya sakin sa 4 na taon. Salamat sa lalakeng walang ibang ginawa kundi pagbigyan ako at respetuhin lahat ng desisyon ko. Salamat sa lalakeng nasa tabi ko nung mga panahon na kelangan ko ng masasandalan. Salamat kasi isa ka sa mga taong masasabi kong naasahan ko. Salamat sayo sa mga masasayang alaala na binigay mo sakin. Salamat kasi minahal mo ako. Thank you and Good bye, honey!
Sana kasabay ng pag momove on ko, sana lahat ng alaala mong ibinigay sakin, sana makalimutan ko na din. 

Good bye, Love.

PS,
"Some infinities are bigger than other infinities." - John Green: The fault in our stars
 

Moon's Little Storyteller
Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos