Dear Love,
2 months and 9 days. Tangena, kung iisipin mo antagal na. Pero alam mo yung sakit, parang kahapon lang. Ang hirap, sobra!
Sobrang sakit nya pa din. Alam mo yung feeling na, gusto ko umiyak pero di ko magawa kasi sobrang maddisappoint mga tao sa paligid ko kasi ikaw pa din naiisip ko. Sobrang maiinis sila kapag nalaman nila na iniiyakan pa din kita. Kasi sila alam ko hirap din sila na pasiyahin ako na alam ko ginagawa din nila lahat para malibang ako.
Miss ka kita, big time! Minsan alam mo, nag-eexpect pa din ako na ittext mo ako kahit sobrang malabong mangyari. Kahit alam ko na iba na yung tintext mo. Yung minsan masasabi ko sa sarili ko na, ay oo nga pala wala ng ibang magttext sakin.
Miss na kita oi. Balik ka na, please.
Lagi ko pa din pinagdadasal na sana bumalik yung dating ikaw. Yung guy na kontento sakin, yung guy na lagi nya sasabihin na "Ickaw lharn sapat nha". yung guy na sobrang mahal na mahal ako. Na sana, bumalik yung guy na nakilala ko.