Dear Love,
Kanina minessage ako ng kaibigan nya. Sinabi sakin na magkasama sila. Ako di ko na inaasahan na marinig pa side nya pero andun na so go na lang
Di ko na masyado maalala yung eksaktong sinabi pero ang dating sakin ay parang ako pa ang nasisisi kasi pinangunahan ko sya. Na ako pa nagsabi sa mga kaibigan at magulang or pamilya nya sa totoong nangyayari samin. Kung di ko sinabi yun, sigurado ako baka lumipas na ang 5 months di nya pa din masasabi yun. Anong gusto nya gawin ko? Magpanggap na kami pa, na good pa kami tas sya nagpapapakasaya kasama yung isa? Anong gusto nyang gawin at sabihin ko kapag hinahanap sya ng pamilya nya sakin? Okay lang sa kanya na ako na magsuffer or magpanggap basta sya nagagawa nya lahat ng gusto nya dun sa isa. Unfair sakin.
Sabi nya he feels sorry. Wow. Nope. Hindi. Kasi kung yun man naramdaman mo sana habang maaga tinigil mo na. Na sana habang maaga ginawa mo na yung tama but you didn't. Where's the sincerity??? Sabi nya pa sinubukan nya daw layuan yung babae. Nope, Hindi mo sinubukan. Alam ko kapag sinusubukan mo. Alam ko kapag ginagawa mo. Dati naalala ko nung tayo pa nung may pinagsiselosan ako, jung sinabi ko iwasan mo. Ginawa mo. Ngayon sa babaeng to, hindi. Never mo ginawa.Mas iniisip mo feelings nya kesa sakin. Kaya nung sinabi mong sinubukan mo, di ako naniniwala. Kahit konting effort hindi mo ginawa. Gusto nya pa ng time. Di ba dapat ako ang nanghihingi nyan? Di ba dapat ako ang nagdedemand nyan??
Tas nakakainis pa kasi nagmessage ako sayo, dinadaan nya pa sa kaibigan nya. Tangena, nasaan ang balls mo? Gagawa ka ng kasalanan di mo kaya panindigan? DUWAG mo!
Sa sobrang galit ko minessage ko sya. Lahat ng mga bagay na hindi ko nasabi nailabas ko tas ito lang matatanggap ko. "Anna naaawa ako sayo sa ginagwa ko sayo. Alam ko di k maniniwala kasi di ko napapanindigan mga salita ko. Pero kkausapin kita kapag kaya ko n sabihin lahat. :( sorry talaga kung lagi kita iniiwasan mkausap. Stay healthy."
Anong gusto mo gawin ko? Maghintay na naman ako?? Hanggang kelan?