Thursday, March 26, 2015

Ang sabi ng Bigo #3

Posted by palacioslala
Dear Love,

Sabi nila kapag nalulungkot ako, ito daw gawin ko para mabawasan yung sama ng loob ko, lungkot ko.

Off ko ngayon, so madaming oras at pagkakataon na naiisip kita.

Miss na miss na miss na kita, sobra. Walang oras na hindi kita naiisip. Lahat ng bagay nagpapaalala sayo sakin. Sa lahat ng lugar at pagkakataon ikaw naiisip ko.

Di pa din ako nakakamove on. Andami ng beses ko sinubukan pero wala pa din. Siguro tama sila, hanggat di ko natanggap ng 100% yung nangyari, di ako makakausad. Pero gusto ko malaman mo na, sinusubukan ko.
 

Moon's Little Storyteller
Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos