Dear Love,
Ngayon ko lang naisipan ulit magblog. Wala naman masyado kwenta to. Kelangan ko lang to para maglabas ng sama ng loob, gusto ko lang ilagay dito yung nararamdaman ko. Wag nyo na pag aksayahan ng panahon.
Naranasan nyo na ba yung nagising kayo tas naalala mo yung taong mahal na mahal mo na hindi mo na pag-aari? Yung tipong pag gising mo, bumangon ka sinusuntok mo yung wall para mabaling atensyon mo pero wala epek tas maya maya, umiiyak ka na lang? Yung wala kang magawa kundi saktan lalo sarili mo sa mga naiisip mo kasi kahit anong gawin mo, di na magiging kayo? Tas kahit anong gawin mo, silang dalawa naiisip mo? Kaya iniyak mo na lang ulit.
Ang hirap pa din.