Dear Love,
So kahapon nga nag-istalk na naman ako. Di ko alam kung bat ko pa ginagawa yun pero di ko mapigilan sarili ko. Di ko alam kung bat paulit-ulit ko pa pinahihirapan sarili ko. Pero siguro way ko yun para mapagod yung puso ko, para matanim at maisip ko na kahit anong mangyari o gawin ko, wala na.
Oo kahapon, nakita ko mga pictures nyo nung nag Baguio kayo. Nakita ko stolen pictures nyo, ang sweet nyo. Nakita ko pa nga, kinikiss mo sya, masaya kang kasama sya. Yun yung pinakamasakit sa lahat. Iniisip ko, nung nag Baguio ka, kahit saglit man lang ba, naalala mo ako? Kahit saglit lang, naalala mo din ba yung nag Baguio tayo last January? Siguro hindi, sa mga ngiti mo, at dahil sa sobrang saya mo never mo ko naisip kasi sino nga ba naman makakaalala kapag masaya ka, kapag kasama mo bagong mahal mo. Kasi alam mo kasi nung nag Baguio tayo, feeling ko napilitan ka lang, ayaw mo lang ireject ako that time kasi alam mo masasaktan pa din ako. Masaya ako nung nag Baguio tayo, pero alam mo may konting sakit din yun. Kasi kung di ko sasabihin na magpicture tayo sa phone mo, never mo gagawin. Siguro iniisip mo nun, bat pa kelangan nang pagmumuka ko, di ko na gamit ang mga gamit mo, wala na ako karapatan saka baka makita nya. Di ko lang sinabi sayo yun pero sana alam mo na nasaktan din ako pero di ko din pinaalam sayo yun. Kahapon ko din nakita yung bagong account nyo. Initials nyo pa, iniisip ko. Ano kayang laman ng account nyo? Madami na siguro kayong sweet pictures dun, madami na siguro kayong pictures na sobrang saya nyong dalawa.
Tas kahapon, minessage ko yung bago mong girlfriend, sorry pero kelangan ko din sabihin sa kanya yun kasi yun ang totoo. Alam nyo parehas yung mali at kung anong totoo. Pero di ba a huli ako pa din gumawa ng paraan. Gusto ko lang naman malaman kung anong totoo, kasi di ko matatanggap ng buong buo hanhgat di nyo sinasabi sakin ang totoo. Oo alam ko walang magbabago, pero sakin magiging malaking bagay yun. Kasi favor nyo na din sakin yun. Kahit yun man lang sana masabi nyo.
Tas kaninang madaling araw nagmessage ka. sabi mo di ako makakamove on kung di ko tutulungan sarili ko. Oo tama yun pero gusto ko malaman mo na, di madali sakin to. Gusto ko malaman mo na pati sarili ko, kelangan ko pang lokohin, na pati sa sarili kk kelangan ko pa magpanggap. Di mo alam kung anong mga ginagawa ko para lang makalimot. Kelangan ko pagurin sarili ko, kelangan ko ipaintindi sa sarili ko na masamang tao ka, na manloloko ka. Kaya wag mo sasabihin sakin yan kasi hindi mo alam yung sakit, kasi hindi ikaw ang nasa kalagayan ko, kasi hindi ikaw ang iniwan, kasi hindi mo alam yung feeling lalo na yung hindi maging sapat. Tas sasabihin mo na nahihirapan ka kasi nagkakaganito ako? Saan banda? Di halata. Muka nga nag-eenjoy ka pa e.