Di ko alam kun paano sisimulan yung blog na to. Seryoso. Pero gusto ko lang malaman nyo na tulad nyo may dinadamdam din ako.
Yes, It's been 2 months since the "guy of my dream" told me "It's over for us, I was cheating on you".
At first nung unang closure namin, I cried, As in umiyak lang ako dahil siguro sobrang nasurpised/shocked ako sa mga nasabi nya. Pero di pa din nagssync in sakin kung ano ang pinaka reason. That time umaasa pa din ako na maayos namin, na kaya pa isalba.
2nd closure was the hardest. After my shift, I decided to vist his place. That time, kakauwi nya palang galing Batanggas. I had that feeling na he was with his new girl. And I was right! Sobrang nakakapanlumo at nakakagalit na yung guy na sobrang minahal mo ng higit pa sa sarili mo nakikipaglandian. Sobrang nakakadisappoint kasi hindi ganon yung guy na minahal ko. Di nya ugali yun tas ansakit kasi pinatulan nya yung malanding text ng girl. Nag-usap kami, madaming tanong na kahit papaano nasagot nya. Pero hindi ako kontento. That time, dahil sobrang galit ko tinawagan ko yung girl, minessage ko yung girl sa fb, pinahiya ko sya sa groups nila. Sinong matinong babae na magsasabi na "Haha, bat nyo binura sex video namin?". Tangina diba??? Ikinatino mo ba yan? Kapag tinatanong ko yung ex ko, "Bakit sya ganyan? sasabihin nya "Liberated kasi yan" Tas kapag tinanong ko ex ko kung anong nagustuhan nya sa kanya sasabihin nya kasi sya lang nagbigay respeto sa kanya. Tangina! Sinong rerespeto sayo kung ikaw mismo, kung sa sarili mo hindi mo maibigay yun??? WTH!
I gave him time, para mapag-isipan nya lahat, matimbang nya kung sino mas mahalaga, kung anong tamang gawin. Pero yung time na yun, hindi ko alam kung nag-isip ba talaga sya o sadyang pina-asa nya lang ako.
3rd Closure. Nagpunta sya dito sa bahay. Kasi sabi nya after ng 1st closure namin nangako sya na ibibigay nya sakin yun sagot. Na ang sabi nya pag-iisipan nya. That time tinanong ko kung ano na balita Sabi nya nakausap nya na yung girl. So that time, I was hoping na may chance. I asked him again kung mahal nya pa ako ang he told me "oo mahal kita kaso yung love ko na yun hindi na naggrow".
Madaming araw ang lumipas. Nagbibilang ako ng mga araw na di ko sya nakikita. Nung mga panahon na yun, habang sya walang paramdam, andami ko ginagawa. Nangsstalk ako, seryoso. Nung araw na yun don ko nakita ibang pics nila nung nagpunta sila sa Batanggas. Sobrang sinasaksak yung puso ko na magkahawak kamay sila. Yung pinakamasakit e yung binigyan mo sya ng time para "makapag-isip" pero yung oras na binigay mo para sa kanya, sa iba nya nilaan. Binigay nya yung time na yun para sa iba. Minessage ko sya sa fb, pinakitako yung picture na sweet sila. Nung araw din na yun nag-message sya sakin. "Wala nang tayo Anna. Sige mamimili ako, pero hindi ikaw ang pipiliin ko". Don ko naramdaman yung pagguho ng mundo ko, don ko naramdaman yung sakit. Mas doble!
Bumalik sakin lahat. Yung sakit. Pinaglaban kita sa babae mo, kung anu-ano na sinabi ko sa kanya. Tas sa huli sya pinili mo. Sa kanya ka nag-risk. Sobrang sampal sakin ng mga naging desisyon ng taong minahal ko ng sobra. Binigay ko lahat ng pag-iintindi. Nagpakatanga ako nung sinabi ko na "willing ako magpatawad", "subukan natin ulit", "bumalik ka na sakin please", "please, please". Kahit sobrang durog na durog na yung pride ko at alam ko na irereject mo ako, ginawa ko pa din kasi kahit papaano umaasa pa din ako na magbabago sagot mo.
4th. Nagpunta ako sa kanila. Binawi ko yung gift ko na binigay ko sa kanya nung graduation nya. Dumating sya, wala man lang "kamusta ka na?". As in wala. So ako na naman gumawa ng first move. "Kukunin ko na yung album saka yung picture natin, okay lang ba?, I heard him speak again "Akin yun e, bigay mo sakin yun". "Di mo na kelangan yun, ayaw ko dumating yung time na pag dinala mo dito yung babae mo, sya pa magpatapon". And we talked till dawn. Sinaktan ko na naman sarili ko by asking him questions na alam kong hindi magbabagk sagot nya. Pero isa lang tumatak sakin sa conversations namin na yun. "Sobrang mahal mo ba sya? - tumango sya. E ako? - umiling sya. Naalala mo pa ba ako? - Minsan, di naman mawawala agad yun." Nung madaling araw na yun gusto ko na umuwi kasi hindi ko na kaya. Kaso hindi nya din ako pinayagan kasi delikado na. And nung nakahiga kami, gusto ko na i-hug ako ng taong to. Isa pa to tumataksa isip ko " Ayan na yung chance o, binibigyan na kita bat ayaw mo. Sabi nya "ayaw ko nga ng chance mo. Tinutulak na nga kita papalayo e. Ano pa bang pinanghahawakan mo sakin?" Sabi ko sa kanya "Lahat ng sinabi mo sakin noon. Na ako ang taong gusto mo makasama sa buhay na gusto mo. Na magbabago ka pa." Gusto ko i-comfort ako ng tao na to. Gusto ko i-hug nya ako. Kaso hindi nangyari yun, so I cried A LOT!
Di ko matanggap yung sinasabi mong "wala kang pagkukulang, walang mali sayo, wag mo icompare sarili mo, wag ka mainsecure". Kasi simula nung ipagpalit mo ako, don bumaba lalo yung self confidence ko. Kasi kung walang mali sakin, di mo ko ipagpapalit. Kung walang kulang sakin, di mo ko ipagpapalit.
That time, I was so depressed actually kahit hanggang ngayon. Honestly speaking, naisip ko magpakamatay na lang kasi di ko na kaya yung sakit. Yung work ko habang nagccalls ako, umiiyak ako. Andami ko naiisip. Kasi ayaw ko na mamiss sya, ayaw ko na maalala sya, ayaw ko na umiyak at maramdaman yung sakit. Dunating sa point na, lagi ako umiiyak. Gabi gabi umiiyak ako, wala akong gana kumain, nagmunukmok lang ako sa kwarto. Hinihintay text nya kahit alam ko wala na ako matatanggap na text. Tumitingin ng pictures. Lagi ko lang sinasaktan sarili ko kapg tinitingnan ko pictures namin, di ako nagpapasok sa work ko. Minsan naglalakad lang ako direcho di tumitingin kung may sasakyan. Sobrang lutang ako. As in ayaw ko na mabuhay. Ayaw ko na.
Di ko matanggap na yung 4 na taon na yun ganon nya lang bitawan. Na ganon nya lang bitawan yung memories, samahan, at yung pagmamahal nya sakin. Na ganon nya lang ako pinagpalit sa isa. Na sya ngayon masaya tas ako di pa din makabangon sa mga nangyari. Na ngayon parang loud and proud na sila.
Sobrang sayang tayo. Sayang. Nagbago ka na, hindi na ikaw yung guy na minahal ko ng sobra, di na ikaw na nakilala ko 4 years ago.
Di ko alam kung pano ako magsisimula ulit kasi masyado ko sinanay sarili ko na kasama ka, Masyado akong naging kampante na di mo ko iiwan. Di ko alam kasi sayo umikot mundo ko, na sure akong ikaw na ang makakasama ko sa buhay ko. Kaya ngayon, back to zero.
Thank you na lang din sa memories, salamat kasi sinabi mo sakin na totoong minahal mo ako nung mga panahon na tayo. Thank you sa lahat lahat. Thank you!
Your last words that I chose to ignore but I will always remember "Ingat ka". And in my head I answered "Thanks, Ikaw din. Goodbye to the old us. Paalam sa nasayang na tayo." And just like that we're strangers againnnn.
Goodbye, Love.
Yours,
Anna