Sunday, April 12, 2015

Ang sabi ng Bigo #10

Posted by palacioslala
Dear Lala,

Hey. How are you? It's been months. Good ka na ba o ganon pa din?

I guess not. Alam ko na may mga times na nagtatapang-tapangan ka lang, pero kilala kita. Walang ibang nakakakilala sayo kundi ako lang din. Alam ko na mahirap pa din, alam ko na hanggang ngayon kahit anong mabalitaan mo sa kanya, tungkol sa kanila nasasaktan ka pa din, naapektuhan ka pa din. Ganon talaga siguro, kasi nga di ko man aminin sa kanila alam ko ang sagot mahal mo pa din sya. May feelings ka pa din sa kanya. Isang factor din yan kung bakit nasasaktan ka pa din. Di naman kita masisisi kung bat ganon na lang ang pagkapit sa kanya kahit na nasasaktan ka na ng sobra. Siguro dahil lahat ng plano mo sa buhay sinama mo sya dun. Siguro dahil umaasa ka na babalik yung dating sya na kasabay ng pagbalik nya na yun, babalik din sya sayo. Yung lalapit ulit sya sayo at hihingin ulit ang puso mo. Pero naisip mo na baka kapag dunating man yung araw na yun, iba na pala takbo ng isip nya. Baka sa araw na yun malalim na din yung feelings nya sa isa. Na baka isang beses bumalik sya hindi para magkabalikan kayo kundi para ibigay yung sagot na matagal mo na gusto marinig. Na baka sa pagabalik nya na yun, wala ka na aasahan pa?? Pwedeng ganon ang mangyari, pwedeng hindi. Pero Lala, lagi mo ireready sarili mo sa mga bagay bagay na pwedeng mangyari.

Napagdaanan mo na to dati, pero kinaya mo din. Oo sa lahat ito ang pinakamasakit kasi sobrang di mo inasahan na akala mo kayo na talaga, na akala mo sya na at kasi akala mo ibang iba sya pero wala e, siguro di mo sya ganon ka kilala. Pero kaya mo yan, wag mo madaliin lahat. Wag mo pwersahin lahat. Dahan dahan dapat. Kapag naaalala mo sya at namimiss mo sya tas wala ka magawa, iiyak mo lang. Ilabas mo lang yan. After 25-30 mins siguro titigil din yan luha mo. Kapag nasasaktan ka at madami ka naiisip na mga ginagawa nila, kausapin mo si Lord. Nakikinig sya, dadamayan ka nya. Iiyak mo lang lahat, kausapin mo sya. Di mo man sya makita pero mararamdaman mong tinutulungan ka nya. Pagagaanin nya loob mo. Buburahin nya naiisip mo. Kaya mo yan, basta tulungan mo din sarili mo pa lalo, alam ko sinusubukan mo pero konti pa. Okay?

Lagi kang ngingiti, maging masaya ka lagi. Wag ka papaapekto sa kanila. Wag mo pababayaan sarili mo. Dati di ka naman nainom pero gingawa mo kasi ayaw nya ng perpekto. Di mo dapat sinisira buhay mo sa kanya. Kung ayaw nya, wag. Di mo kelangan baguhin sarili mo para sa kanya.

Kaya mo yan. Okay? Alam ko kaya mo.
 

Moon's Little Storyteller
Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos