Dear Love,
Miss na miss na miss na kita. Ngayon, wala na naman akong ginawa kundi ang iyakan ka. Wala na naman akong ginawa kundi yung isipin ka. Wala na naman akong ginaaa kundi alalahanin ka.
Yes, umiyak na naman ako. Di ko alam gagawin ko. Sabi nila para daw mapabilis ang pagmmove on, dapat daw walang communication, dat daw walang picture sa phone, dapat daw binibura ang number pero nagawa ko naman na yun pero bat ganon pa din? Oo, may iba pang pics na natira sa phone ko pero I swear iniiwasan king tingnan ang isang buong album na yun. Pero bakit ganon? Sabi din nila, isipin ko na lang masasayang bagay para kahit papaano maisip ko na kahit ganon nangyari satin may mga masasayang bagay pa din ako maaalala tungkol aayo. Meron naman nagsasabi na isipin ko daw mga masamang ginawa mo, mga kasalanan mo sakin para magalit ako sayo at para yung love na natitira, mapalitan ng galit.
Sinubukan ko magalit sayo, sinubukan ko alalahin lahat ng mga kasalanan mo pero sa huli lumalambot pa din puso ko pahdating sayo. Sa huli parang ako pa din lugi, para ko pa din niloloko sarili ko.
Kinausap ko si Lord ngayon, sabi ko sa kanya sana mawala na yung love ko sayo, sana makalimot yung puso ko at sana bigyan nya ako ng taong magsasalo sakin, hindi man yung magiging boyfriend ko pero yung taong magccomfort sakin, yung tipong dadating para kahit papano makalimutan at mabaling sa ibang tao atensyon ko kagaya ng binigay nya sayo.
Sa totoo lang, di ko na kaya yung sakit. Mahirap gumawa ng mga bagay bagay para makalimot. Akala nila masaya ako, pero hindi. Hindi pa talaga.