Monday, April 20, 2015

Ang sabi ng Bigo #12

Posted by palacioslala
Dear Love,

Nag-usap kami, not personally but through chat. Sa huli ako pa din nag-reach out ako pa din gumawa ng effort. Choice ko yun.

At first medyo normal lang ang conversation. Ang kelangan ko lang talaga yung charger ko. And it got to the point na medyo serious at naisinggit namin yung issue namin. I asked him questions and he answered some of it. Pero madami pa din akong tanong. Yes, madami pa akong tanong. Inaasahan ko na ang magiging sagot nya sa ibang tanong ko.

Masakit kasi inamin nya sakin na andon na sila sa point na medyo pinapakilala na sya ng girl sa family nya specially to her parents and it hurts kasi yun ang di ko naibigay sa kanya sa loob ng 4 na taon. Yes kilala sya ng mom ko, sisters ko and some of my relatives but not my dad. He told me na he's willing that time pero sabi nya nga "walang bago". I cannot blame him don, pero planado na kung kelan ko sya ipapakilala, it was supposed to be a birthday gift it's just that he didn't wait for the right time.

Mas masakit din sakin na hingin nya sakin yung pabor na wag ko nang awayin yung girl. I was never honest on that part. Pero sabi kelan ko ba sya inaway? Sa lahat ng message ko sa babae, never ko sya minura. As in, NEVER. Siguro nasabi ko na "tangina lang diba?" pero di ko sinabi na "tangina nyong dalawa". Siguro nasabi ko yung mga salitang ang "kapal nyo. bitch mo" but that's it. Pero hindi mo sakin maalis na hindi ko sya awayin at di ako magalit sa kanya at sayo. Sana kahit yun man lang wag mo na ipagkait sakin kasi karapatan ko yun. After all, ako ang sobrang nasaktan at sobrang naapektuhan at yun lang ang way ko para di ako sumabog.

Kung tatanungin mo ako ngayon kung anong nararamdaman ko. Sasabihin ko sayo yung totoo. Galit ako. Oo hindi ko maipakita sayo pero nagagalit din ako. Siguro yung babae ramdam nya yung galit ko pero wala syang choice kundi tanggapin yun at wala ka din choice kundi tanggapin yon. Nagagalit ako sayo sa pag-iwan mo sakin. Nagagalit ako sayo kasi binigay ko lahat pero hindi pa din ako naging sapat sayo. Nagagalit ako kasi lahat ng mga sinabi mo sakin dati, hindi mo tinupad. Nagagalit ako sayo kasi sinira mo lahat. Nagagalit ako kasi dahil sayo sobrang nag-iba ang pananaw ko sa salitang LOVE, dahil sayo natatakot na ako magmahal, magtiwala, masaktan kasi nakakadala. Nagagalit ako kasi pati AKO sinira mo at hanggang ngayon, parang di ko na kaya gawing buo ang sarili ko. Nagagalit ako sa kanya una kasi dumating sya sa buhay mo. Nagagalit ako sa kanya kasi alam nyang may "ikaw at ako" pero pinilit nyang pumasok sa eksena. Nagagalit ako sa kanya kasi kahit alam nyang mali pumatol sya. Nagagalit ako sa kanya kasi kahit pang ikaw ang kadalasan mag-initiate ng mga bagay-bagay kung alam nya na tayo at kung matino at hindi lang din talaga sya malandi iiwas sya pero hindi kasi ang dating sakin naging go signal nya pa yun para patulan ka at para ituloy nya pa yung ginagawa nyang paglapit sayo. At ang dating sakin, intensyon nya na yun una palang. Kahit anong sabihin mo at kahit anong paliwag gawin nyo, ganon ang tingin ng tao.

SANA sa huling pabor na hinihingi ko sana matupad mo. Kung may konting kahihiyan at konting halaga yung feelings ko, sana this time i-consider mo. Oo, nireready ko na sarili ko na baka next week lang kayo na, kilala na sya ng fam at ikakasal na kayo. Pero konting tulong na din sakin kasi di pa ako naghheal. Kaya sana, sana wag nyo akong biglain. Kasi sa totoo lang, nahihirapan ako mag move forward lalo na kapag madami akong nakikita at naririnig na mga bagay na may kinalaman sa inyo.

Pinipilit ko maging masaya para sa inyong dalawa. Slowly, natatanggap ko na. Lagi ko na nireremind sarili ko na "Masaya na sya. Mahal nya yun. Di mo na mababago yun. Hayaan mo na sila at magfocus ka sa kung anong meron ka."

Iniyak ko na lahat kahapon. Sabi ko kay Lord "Pagod na po ako. Suko na ako. Di ko kaya challenge nyo. Sorry. Kayo na po ang bahala. Kung anong plano nyo sakin at sa amin, kayo na bahala. Gusto ko lang po maging masaya. Tanggalin nyo po sakin ang takot na magmahal at magtiwala ulit". at sa gabi kapag nagdadasal ako, sinasama ko yan sa dasal ko.
 

Moon's Little Storyteller
Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos