Tuesday, December 27, 2011

Moscovia - (SE movie project)

Posted by palacioslala
Costumes :)
**syempre ang unang drawing yan ung costume ko :>





Friday, October 21, 2011

9.teen

Posted by palacioslala
   Today i'm celebrating my 19th birthday, my last year of being "teen" as they call it. I'm not excited, I'm not expecting anything today. Except for, greetings from my friends, family and boy friend  that will complete my day.

  My birthday isn't bad, tho. Every year i have this "Little celebration" with my relatives and close friends.

   But i always have a wish :)) My every years wish, actually. Is is to much if i want another inch of my height? LOL. Puh-pleaseeeeeeee.

  That's all for today. Happy Birthday to me :)

Tuesday, October 18, 2011

Give me a Break :) hahaha, Sembreak.

Posted by palacioslala
Yes finally, sembreak na. Ikatutuwa ng iba pero ikalulungkot din naman ng iba. ako nalulungkot na natutuwa. hahahaha, labo talaga. natutuwa ako kasi syempre, stress free. wala ng iisipin, wala ng po-problemahin. at di ko na kelangan gumising ng napaka-aga :p nakakalungkot lang din kasi walang pepay e, walang galaan na mangyayari at di ko masisilayan si Crush at syempre pati na rin si Boyfriend :) hahahahah :p

Haysssss. tas magbu-bertday pa ako. pero ok na rin kasi walang pasok sa araw ng birthday ko. oyea! :P 

Cguro magda-dragon nest na lang ako ngayong Sembreak, o kaya mag-aalaga ng bagong ko pamangkin o kaya tumakas at makipagkita kay BF. o kaya .................. wala na akong maisip na pdeng gawing libangan. hayssssss.

osya, mag-enjoy taung lahat. lalo na ung mga estudyante out there! :)

Ang ating pangalawang magulang

Posted by palacioslala

Sabi nila, ang mga guro daw ang ating pangalawang magulang. At bilang mga magulang na ina-asahan ng ating Ama at Ina, Sila dapat ang nagtuturo, gumagabay, tumutulong at nag-e-encourage sa ating mga estudyante na gumawa ng tama at gawin ang mabubuting gawa. Pero paano kung ang mga magulang na ito ang sumira ng buhay ng estudyante, ang magpahirap at paano kung sa kanila pa natin makita ang mga ugaling masasama?
Walang Ama at Ina ang may gustong makitang nahihirapan ang mga anak. At lalong di sila papayag na walang matutunan ang mga ito at mas lalong hindi nila kayang makitang sinasaktan o nahihirapan ang kanilang mga anak. Ako, bilang isang estudyante, ok lang sa akin ang mahirapan sapagkat alam ko na parte iyon ng pag-aaral at saka walang problema sa akin yon kasi mas masaya at exciting kapag may “thrill” sabi nga nila. Pero ang di ko lang matanggap at ang ikina-iinis ko lang ay yung ginagawa mo lahat ng bagay para mapabuti ang iyong grado pero bakit parang hindi sapat sa kanila ang paghihirap? At bakit ganoon mag-isip at magdesisiyon ang mga “magulang” na ito? Daig pa ang mga bata.
Hindi ko sinasabing lahat ng guro ay ganito kung mag-isip. Nakakalungkot lang isipin na ang mga magulang sana na tutulong sa atin ay sya pang humihila sa atin pababa.


[Reaksyon:]

Hindi dapat ganoon ang ginagawa ng mga guro. Dapat pinapakita nila ang mabubuting ugali hindi ang masasamang asal. Minsan kasi ikinatutuwa pa nila kapag may pinahihirapan silang estudyante. Hindi rin dapat na mi-mersonal ang mga guro kung galit sila sa isang estudyante, hindi dapat ang grades ang binabawian. Dapat ini-iwasan din nila ang “Favoritism”. Dapat sila ang uma-alalay sa mga estudyante.

Hello Sembreak :)

Posted by palacioslala
 I've been waiting for this. This time, i really hope that this year's sembreak will be much different compared to last year. I only have 2 weeks to enjoy it.


Tuesday, September 06, 2011

“B E R” MONTHS

Posted by palacioslala
           September, October, November and December
September
Lahat excited at natutuwa kapag September. Yung iba kasi magsi-celebrate ng birthday nila, Yung iba naman natutuwa kasi malapit na mag DECEMBER.

October
Matutuwa mga estudyante kasi panahon ng bakasyon to. Matutulog ng late at gigising ng  tanghali. Ansarap!
Matutuwa rin ako kasi sa buwang ito, magsi-celebrate ako ng pang 19th Birthday ko.

November
Dito ina-alala natin yung mga kaibigan o kamag-anak nating nama-alam na.
Masaya din tong buwan na to para sa iba lalo na siguro sa mga bata kasi may“Trick or Treat”. Mangongolekta sila ng madaming kendi. Hahaha
Sa buwan ding ito magdidiwang yung Boyfried ko ng 19th birthday nya rin.

December
Maraming Pinoy ang naniniwala na sa buwang ito ipinanganak si Hesus.
Ito ang pinakamasayang buwan. E syempre kapag December may pera, may regalo, may kainan, Masaya.
Para sa mga bata, kapag December naniniwala silang dadating si Santa Clause at maglalagay ng kendi sa medyas na sinabit nila at maglalagay ng laruan sa tabi nila.
Sa mga Family Oriented na tao, kapag December gustong gusto nila to kasi nagkakasama sila, buo na naman ang pamilya.
Sa buwan na to, isang taon na kami nagmamahalan ng Boyfriend ko :) Mas Masaya ako dun ^_^








MADALI BA ANG MAGPATAWAD?

Posted by palacioslala
Madali nga ba ang magpatawad? May mga nagsasabing “Oo”, meron din namang “Depende” at meron din namang nagsasabing “Hindi”.

Kung ako ang tatanungin, “Depende”ang magiging sagot ko. Depende rin kasi sa tao at sa sitwasyon, depende sa nagawa ng tao sayo. Tama??

Halimbawa:

Kung yung tao na yun kapamilya mo, tapos sinisiraan ka sa mga kamag-anak mo din? Mapapatawad mo?

E kung ang kabarkada mo naman sa sobrang kaharutan nila e bigla kang tinamaan? Mapapatawad mo?

E paano kung yung kaklase mo ipinahiya ka sa klase, tapos humihingi ng tawad tas ansabi trip lang. Mapapatawad mo?

Mapapatawad mo kaya ang taong nagpahirap ng buhay mo?

Mapapatawad mo rin ba yung taong pumatay sa Pamilya mo?

E ang taong walang ginawa kundi inisin at sirain ang araw mo? Mapapatawad mo?

Mapapatawd mo rin ba ang nang-agaw at sumira ng relasyon nyo ng kasintahan mo?

Mga halimbawa lang naman yan ng mga sitwasyon at ng mga tao. Diba minsan napapatawad mo, minsan din naman hindi. Totoo yun, di kasi porket kapamilya o kaibigan mo ay mapapatawad mo na kaagad-agad. Depende lang talaga lahat. Pero kung ikaw talaga yung tipo ng tao na kahit ambabaw o talagang laging seryoso ay baka talagang di mo alam ang salitang “KAPATAWARAN”o “PAGPAPATAWAD”. Kung napatawad ka man ma-swerte ka pero wag mo ng aasahan na magiging tulad pa rin ng dati ang magiging samahan nyo.

                       “It is easy to forgive but it takes time to forget”


Saturday, August 13, 2011

A few will stay

Posted by palacioslala
Not all friends you think will forever be good to you.
Some will be honest but won't be loyal to you.
Some will accompany you but not in times of problems.
Some will stay and some will leave you.


Some of your friends will love you the way you love them
But some will waste the love you gave.
Some will help you but some will just stare and laugh at you.
Some are true but some are fucking fake friends.

Thursday, August 04, 2011

PAG-IBIG ♥

Posted by palacioslala
Love is blind. Love is a Mystery that Full of Mystery.  Love is in the Air! Ilan lang yan sa mga pagpapa-kahulugan ng salitang pag-Ibig. Diba ang lupet? Pero ano nga ba talaga ang salitang Pag-ibig??


Pag-ibig –  Ito ay nararamdaman mong pagma-mahal sa kaibigan mo, magulang at kasintahan. Ang pag-ibig ay madalas ipinapakita sa gawa di lang puro salita :)) Iba-iba naman tayo ng pagpapa-kahulugan, pare-parehas naman tayo ng nararamdaman ♥♥♥

[**Base lang to sa mga naranasan ko ah. **]
Paano mo nga ba masasabing Inlove ka na?

·        Excited ka laging makita sya.
·        Gusto mo sya laging kausap.
·     Gusto mo sya makasama oras-oras/araw-araw, bumagyo man o kahit pa tirik na tirik ang araw.
·        Lagi mo hinihintay ang text nya kahit pa “hi” lang yan.
·        Lagi mo sya ini-isip.
·   Pangalan nya ang lagi mong hinahanap sa List of Online Friends mo sa    Facebook.
·   Lagi kang nag-i-imagine ng mga bagay-bagay kagaya ng Future nyong dalawa, kasama na dun ang magiging pamilya.
·    Nagse-selos ka kapag may nadikit sa taong mahal mo kahit pa kaibigan nya yan.
·        Panay ang  I love you mo. HAHAHAHA
·        At kapag kinabukasan ganyan ulit ang routine mo :P

Saturday, July 23, 2011

KAPAG ANG BUHAY KO AY MAAYOS NA!

Posted by palacioslala


     Sa ngayon, kelangan ko pa muna mag-aral ng mabuti. Konting panahon na lang naman kaya dapat ko talaga pagbutihan.


     At kasabay ng pag-aaral ko, ang mangarap na kapag maayos na ang buhay ko at may sarili na akong trabaho at di ko na kakailanganin ang tulong nila.
Kapag ang buhay ko ay maayos na, din na nila ako makikita, di nila ako mapakikinabanagan lalo na ng mga taong wala naman naitulong sakin.

     Kapag ang buhay ko ay maayos na, tutulungan ko yung mga taong tumulong lang din sa akin at nagtyagang suportahan ako hanggang sa huli. At yun ung Papa ko, kahit puro sumbat ang ginagawa nya sa akin, di nya pa rin ako ini-iwanan.

     Kapag ang buhay ko ay maayos na, magiging mabuti akong Asawa sa mapapangasawa ko. Mamahalin ko sya habang buhay, pagsisilbihan , magiging tapat ako sa kanya at higit sa lahat, d I ko sya ipagpapalit.
     Kapag ang buhay ko ay maayos na ang susunod kng tutulungan ay ung Mama ko. Di man nya nagawa ang Obligasyon nya, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya at nag-silbi syang Inspirasyon ko.

     Kapag ang buhay ko ay maayos na, magiging mabuti akong Ina para sa mga anak ko. Pipilitin kong maging huwaran at  pinaka-cool na Nanay. Gusto ko na ipagmalaik din ako ng mga magiging Anak ko. Ibibigay ko lahat sa kanila ang mga bagay na wala ako.  Mamahalin ko sila kagaya ng pagmamahal ko sa sarili ko.

Saturday, July 16, 2011

Ang masaktan ka sa Pisikal at Emosyonal na paraan

Posted by palacioslala

Naranasan yo na bang apihin at masaktan? Di lang sa pisikal na paraan pero maging sa emosyon mo lagi kang nasasaktan at ina-api.

Ako? Oo. Hindi lang isa na kundi Madaming-madaming beses na, bata pa lang ako naransan ko na yon at hanggang ngayon patuloy ko pa rin nararamdaman yon.

Nakakalungkot isipin na ina-api ka, sinasaktan ng sarili mong pamilya.

Pisikal na pananakit:

  • Sasaktan ka kapag nakipag-kaibigan ka sa mga taong para sa kanila ay masamang impluwensya.
  • Sasaktan ka kasi nakikipag-Boyfriend ka.
  • Sasaktan ka kasi ginabi ka ng uwi dahil may ginawang projects, dahil umu-ulan kaya na-traffic at ginabi ka sa daan.
  • Sasaktan ka kapag sinagot mo sila dahil para sa kanila sinagot mo sila ng pabalang.
  • Sasaktan ka dahil di mo pinagbutihan ang pag-aaral mo.
  • Sasabihin sayo na "wala kang kwenta!" "wala ka namang naitu-tulong".
  • at di ka na lang lumayas dito?
  • Puro na lang problema dala mo!

Kahit ipaliwanag mo sa kanila yon, di ka pa rin nila maiintindihan at para sa kanila kapag sinagot mo sila "di mo sila ginagalang". At minsan kapag sinwerte ka, sakit ng katawan aabutin mo. Yun daw kasi ang paraan ng "pagdi-disiplina" nila.

Eh ang Emosyonal na pananakit?:
Alam nyo kung nakakamatay lang yung mga katumbas ng mga salitang yan, malamang sa alamang matagal na sana ako pinaglamayan.

Saturday, June 25, 2011

KA-IBIGAN

Posted by palacioslala



Our professor told us(i mean Them *my classmates*, because i was absent when my Professor gave Homework) to write a poem about this topics [Love, Friendship, Religion or Family].  And i am thinking of Love(syempre no, kapag In-love ka yun ung una mo mai-isip. TAMAAAA?) saka medyo madami na din kasi ako nasusulat na poem tas tungkol pa sa Love.  Pero nung gabi, ewan ko ba Friends ko ung na-isip ko, tas medyo madami lumalabas na words sa utak ko na magkaka-ryhmm :) hahaha. Pero kasi gusto ko talaga yung topic na Love kaya naman aun, ung kinalabasan itoooo :)


Celso, Anna Lorraine P.

CT-32

Mr. Dolorosa 

KA-IBIGAN



Kalokohan, karanasan, kasawian,kasiyahan

pinaghahatian ng barkadang sabik sa kwentuhan.

Mga kaibigan kung The Best at makukulit,

kahit pa House and Lot, di ko sila pagpapalit.



Magkakaibigan man may kani-kaniya ng buhay at hiwa-hiwalay,

gumagawa talaga ng paraaan, magkita-kita lang ang  mga pasaway.

At pag-buo na ang tropa,

maghanda sa pasabog na dala.



Sakit man sa ulo ng mga magulang,

di naman nakakalimutang Gumalang.

Sobra-sobra man ang alam sa kalokohan,

nagiging matino naman kapag seryoso ang pinag-uusapan.



Minsan di maiiwasang mag-away at magkasamaan ng loob,

meron din namang nagkaka-developan at nakakapalagayan ng loob.

At kagaya ng story sa movie, may nasasawi sa huli,

pero anuman mangyari, nakakalimutan ang mga nangyari at magka-kaibigang muli.







Saturday, June 18, 2011

Inang Kalikasan (Lyrics)

Posted by palacioslala
Ikaw ay nalugmok sa mundo ng kawalang pag-asa
kawangis mo'y putik na tigib ng pagdurusa.
hanggang kailan ang lahat ay magwawakas 
at doon di'y bubulusok pagsiinta mong sadyang wagas.
Ngayo'y dumulog at sana'y tumugon sa inang naghahamon ...

Yakapin mo kaibigan ang ating mga pangarap
wag nating pabayaan ang ating kapaligiran.
May iisang mithiin pangalagaan kapaligiran
Tayo'y magsikap para sa inang kalikasan

Ngayo'ys si inang ay nasisira pangamba'y baka mawala
samyo ng hangin sa iyo's dumampi.
Bulong ni Ina'y pagdurusa't paghingi
wag sanag ipagwalang bahala ang iyak ng Inang nagmamaka-awa.

Ngayo'y dumulog at sana'y tumugon sa inang naghahamon ...

Kung walang karahasan at pandaraya
Kung ang lahat sana'y bangungot lamang malilimot kapagka-dakay ililibing sa gunita ahhh ..

Kailangan mo ako, kailangan din kita.
Damayan mo ako, at dadamayan din kita.
Sa lahat ng oras sa bawat panahon.
Ano mang prosesyon, Alagaan natin.

Sa lahat ng oras sa bawat panahon.
Alagaan natin ang Inang kalikasan ahhh ...
ang inang kalikasan ....


(Ito ung video. pakinggan nyo ung tono. Magagandahan din kayo.)

Monday, June 06, 2011

Demand ng mga propesor, Demand naming mga Estudyante.

Posted by palacioslala
UDM(Universidad De Manila) isang public school na itinatag ni Mayor Lim. Isa ako sa na libu-libong estudyanteng nag-test at pumasa sa nasabing paaralan. Magta-tatlong taon na ako nag-aaral at hanggang ngayon CT student pa rin ako(Information technology pa rin naman un, iba lang ang tawag samin.) At ni minsan di ko naransan o naramdaman ang pagbabago. Siguro sa ibang Department o branch ng school namin ramdam nila, pero sa Building namin, HINDI. Siguro ang ramdam ko lang na ngbago dun ay ang bagong DEAN. Pero sa usaping pagtuturo, school, mga kagamitan at ngayon ang enrollment. A big NOOOOOO!.


Sa isyung pagtuturo, may iilang propesor na masasabi mong, may natutunan ka, magaling sila at masipag pumasok. May ilan namang pumapasok pero ang ginagawa lang naman ay magko-kompyuter (ginawa pang props ang laptop nila pero nagpe-facebook lang naman. kala mo may ginagawang importante o kaya related sa course mo pero hindi naman). Ung iba naman pumapasok din pero di naman nagtuturo. Dami pa ida-dahilan pero tinatamad lang naman. Ang mga magagaling naman sa iilan lang din. Sila ung mga tipong di ka mahilig makinig pero kapag subject na nya talagang interesado ka. At meron namang mga propesor na ang hilig mam-bagsak pero di naman kagalingan sa pagtuturo. Yan ung mga epal na propesor pa VIP. Nagpe-feeling. Tangena talaga. Sa usaping kagamitan? dito kami talo. hahaha, kapag umu-ulan sa labas pati sa loob umu-ulan din. you know what i mean. Umu-ulan na nga mainit pa rin. Grabe talaga, manla-lagkit ka. May mga rooms naman na may aircon pero konti lang, tas ung mga computers ng school andaming sira tapos ung mga upuan mas madami pang sira kesa magagamit. Ang banyo, swerte ka kapag ikaw una gumamit ng banyo. At sa enrollment naman, andami nilang demand. Kelangan mo muna makompleto ung mga requirements, kelangan nakapapa-evaluate ka na. Kainis. Tapos ngaun, ung hinihiling lang nga mga estudyanteng tulad ko ay mag-release sila ng completion form. Di pa nila kami mapagbigyan. kasi bakit daw ni namin kagad inasikaso?? eh tangena kasalanan naman ng mga pa importanteng prospesor kung bakit di namin nakuha kagad kasi daw ganito busy sila, nagbakasyon. Andamot nila. Tapos ang nakakainis pa, 9 nila sisimulang asikasuhin ung mga nagpapa-enroll at 11-12 lunch break tapos ika-cut nila ng 3:00? what the f*ck. ambuti nila saming mg estudyante noh??


Kainis talaga. Ung mga propesor na toh kung makapag-DEMAND napaka-dami samantalagang kaming mag estudyante Classcards, Bluecards at forms lang pinagdadamot pa nila. Kelangan pa pahirapan yung mga estudyante.


Grabe. Edukasyon at plataporma sa UDM panis. ambaho. walang kwenta. BOW.

Tuesday, May 31, 2011

Di ko talaga Alam.

Posted by palacioslala
     
      Di ko talaga alam kung ano ilalagay ko. wala naman kasi ako sa mood para magsulat o kaya mag-kwento. hahaha :)) hay buhay :D nakakatamad, nakakainis.


      Minsan tuloy mas gusto ko na sa School. pero kapag nasa School naman ako gusto na sa bahay at matulog na lang. hay, di ko talaga alam kung ano gusto ko. tsssssk. ANG GULO NOH??! ><

      Oh ayan, may first blog na ako. hahaha :))) next time ulit.

Wednesday, March 16, 2011

Taken For Granted Declamation Piece ♥

Posted by palacioslala

(This is my declamation piece this year???. It’s been a long long year since i did declamation piece in action . LOL :) ) This declamation piece is not mine.(i didn’t write it. ) sorry to the owner i re-write some and i cut some :) )) thanks. your declamation piece helps :D

Declamation Piece
(TAKEN FOR GRANTED)
“Christians? Christians?”
Have you heard that call? They’re looking for me. That’s definitely me. You’re in doubt and Why? You want me to give you proofs? Oh! That’s very easy.
Who told you to doubt that I am a Christian? I am a Christian! How? I went to church. I pray. I have my religion. I read the Bible. I love kids and I am giving them what they want. I sing gospel songs. Can’t you see? I am the true definition of a Christian.
You want to ask me more?!… I’ll think about it. Hmmmm… Ok! I’m sure I’ll be able to answer all your questions fluently. Go! Try me! You’re asking me if I go to church every Sunday?! I told you…
I-GO-TO-CHURCH… b-bu-but not every Sunday.
Why?! I-I-I have a project every other Sunday. Yes r-r-right, I have a project. The Lord understands that.
I’m not a liar. I’m telling you the truth in fact I went to church last three Sundays straight and Oh my Gosh Cris is Cute especially when he’s playing guitar. Ooops ….
K fine. I went to church three times straight without absent b-because of Cris. He’s cute, he’s talented. but of course I’m still there for the Lord. At least I go to Church. Right? Right?
Ssssshhhhh. Don’t shout! I’m not a fake Christian I read the Bible. I open it… Every time the Pastor is telling me to do so.
Ok stop. Why do we need to argue? I guess I really don’t know what Christianity is?
You want to know the truth? Ok! I go to church not because of Christ but because of Chris! I’m sleeping and sometimes texting every time there is a sermon. I don’t read my Bible because I guess that’s boring. I sing… “Here I am to worship; here I am to bow down. Here I am to say that you’re my God” with matching raising my hands plus closing my eyes but the truth I’m not sincere with that. I give gifts, I share my blessings to the poor, I have my religion. Because I thought it will be credited in his name.
Right, Ephesians 2: 8-9 was right. “It is not by works that I will be saved because Jesus is the only way”. And I am so wrong I don’t even mind his sacrifices on the cross. I am supposed to be there because those are my sins. I forgot my purpose here on earth; you know what, he’s been good to me. But I always take him for granted. I’m doing things not for his glory but for my own. I’m so ashamed. Despite of it, He still forgave and loves me.
Now I’m talking and standing in front of you and I don’t care if you are going to laugh at me. I care to tell you things that I believe I must tell you. He won everything in me and guess what? He’s been waiting for you too… If you believe you have him, you may now shout what Carman once wrote “Jesus is the Champion”.
 

Moon's Little Storyteller
Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos