Naranasan yo na bang apihin at masaktan? Di lang sa pisikal na paraan pero maging sa emosyon mo lagi kang nasasaktan at ina-api.
Ako? Oo. Hindi lang isa na kundi Madaming-madaming beses na, bata pa lang ako naransan ko na yon at hanggang ngayon patuloy ko pa rin nararamdaman yon.
Nakakalungkot isipin na ina-api ka, sinasaktan ng sarili mong pamilya.
Pisikal na pananakit:
- Sasaktan ka kapag nakipag-kaibigan ka sa mga taong para sa kanila ay masamang impluwensya.
- Sasaktan ka kasi nakikipag-Boyfriend ka.
- Sasaktan ka kasi ginabi ka ng uwi dahil may ginawang projects, dahil umu-ulan kaya na-traffic at ginabi ka sa daan.
- Sasaktan ka kapag sinagot mo sila dahil para sa kanila sinagot mo sila ng pabalang.
- Sasaktan ka dahil di mo pinagbutihan ang pag-aaral mo.
- Sasabihin sayo na "wala kang kwenta!" "wala ka namang naitu-tulong".
- at di ka na lang lumayas dito?
- Puro na lang problema dala mo!
Kahit ipaliwanag mo sa kanila yon, di ka pa rin nila maiintindihan at para sa kanila kapag sinagot mo sila "di mo sila ginagalang". At minsan kapag sinwerte ka, sakit ng katawan aabutin mo. Yun daw kasi ang paraan ng "pagdi-disiplina" nila.
Eh ang Emosyonal na pananakit?:
Alam nyo kung nakakamatay lang yung mga katumbas ng mga salitang yan, malamang sa alamang matagal na sana ako pinaglamayan.