Madali nga ba ang magpatawad? May mga nagsasabing “Oo”, meron din namang “Depende” at meron din namang nagsasabing “Hindi”.
Kung ako ang tatanungin, “Depende”ang magiging sagot ko. Depende rin kasi sa tao at sa sitwasyon, depende sa nagawa ng tao sayo. Tama??
Halimbawa:
Kung yung tao na yun kapamilya mo, tapos sinisiraan ka sa mga kamag-anak mo din? Mapapatawad mo?
E kung ang kabarkada mo naman sa sobrang kaharutan nila e bigla kang tinamaan? Mapapatawad mo?
E paano kung yung kaklase mo ipinahiya ka sa klase, tapos humihingi ng tawad tas ansabi trip lang. Mapapatawad mo?
Mapapatawad mo kaya ang taong nagpahirap ng buhay mo?
Mapapatawad mo rin ba yung taong pumatay sa Pamilya mo?
E ang taong walang ginawa kundi inisin at sirain ang araw mo? Mapapatawad mo?
Mapapatawd mo rin ba ang nang-agaw at sumira ng relasyon nyo ng kasintahan mo?
Mga halimbawa lang naman yan ng mga sitwasyon at ng mga tao. Diba minsan napapatawad mo, minsan din naman hindi. Totoo yun, di kasi porket kapamilya o kaibigan mo ay mapapatawad mo na kaagad-agad. Depende lang talaga lahat. Pero kung ikaw talaga yung tipo ng tao na kahit ambabaw o talagang laging seryoso ay baka talagang di mo alam ang salitang “KAPATAWARAN”o “PAGPAPATAWAD”. Kung napatawad ka man ma-swerte ka pero wag mo ng aasahan na magiging tulad pa rin ng dati ang magiging samahan nyo.
“It is easy to forgive but it takes time to forget”