September, October, November and December
September
Lahat excited at natutuwa kapag September. Yung iba kasi magsi-celebrate ng birthday nila, Yung iba naman natutuwa kasi malapit na mag DECEMBER.
October
Matutuwa mga estudyante kasi panahon ng bakasyon to. Matutulog ng late at gigising ng tanghali. Ansarap!
Matutuwa rin ako kasi sa buwang ito, magsi-celebrate ako ng pang 19th Birthday ko.
November
Dito ina-alala natin yung mga kaibigan o kamag-anak nating nama-alam na.
Masaya din tong buwan na to para sa iba lalo na siguro sa mga bata kasi may“Trick or Treat”. Mangongolekta sila ng madaming kendi. Hahaha
Sa buwan ding ito magdidiwang yung Boyfried ko ng 19th birthday nya rin.
December
Maraming Pinoy ang naniniwala na sa buwang ito ipinanganak si Hesus.
Ito ang pinakamasayang buwan. E syempre kapag December may pera, may regalo, may kainan, Masaya.
Para sa mga bata, kapag December naniniwala silang dadating si Santa Clause at maglalagay ng kendi sa medyas na sinabit nila at maglalagay ng laruan sa tabi nila.
Sa mga Family Oriented na tao, kapag December gustong gusto nila to kasi nagkakasama sila, buo na naman ang pamilya.
Sa buwan na to, isang taon na kami nagmamahalan ng Boyfriend ko :) Mas Masaya ako dun ^_^