Saturday, July 23, 2011

KAPAG ANG BUHAY KO AY MAAYOS NA!

Posted by palacioslala


     Sa ngayon, kelangan ko pa muna mag-aral ng mabuti. Konting panahon na lang naman kaya dapat ko talaga pagbutihan.


     At kasabay ng pag-aaral ko, ang mangarap na kapag maayos na ang buhay ko at may sarili na akong trabaho at di ko na kakailanganin ang tulong nila.
Kapag ang buhay ko ay maayos na, din na nila ako makikita, di nila ako mapakikinabanagan lalo na ng mga taong wala naman naitulong sakin.

     Kapag ang buhay ko ay maayos na, tutulungan ko yung mga taong tumulong lang din sa akin at nagtyagang suportahan ako hanggang sa huli. At yun ung Papa ko, kahit puro sumbat ang ginagawa nya sa akin, di nya pa rin ako ini-iwanan.

     Kapag ang buhay ko ay maayos na, magiging mabuti akong Asawa sa mapapangasawa ko. Mamahalin ko sya habang buhay, pagsisilbihan , magiging tapat ako sa kanya at higit sa lahat, d I ko sya ipagpapalit.
     Kapag ang buhay ko ay maayos na ang susunod kng tutulungan ay ung Mama ko. Di man nya nagawa ang Obligasyon nya, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya at nag-silbi syang Inspirasyon ko.

     Kapag ang buhay ko ay maayos na, magiging mabuti akong Ina para sa mga anak ko. Pipilitin kong maging huwaran at  pinaka-cool na Nanay. Gusto ko na ipagmalaik din ako ng mga magiging Anak ko. Ibibigay ko lahat sa kanila ang mga bagay na wala ako.  Mamahalin ko sila kagaya ng pagmamahal ko sa sarili ko.

 

Moon's Little Storyteller
Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos