Sabi nila, ang mga guro daw ang ating pangalawang magulang. At bilang mga magulang na ina-asahan ng ating Ama at Ina, Sila dapat ang nagtuturo, gumagabay, tumutulong at nag-e-encourage sa ating mga estudyante na gumawa ng tama at gawin ang mabubuting gawa. Pero paano kung ang mga magulang na ito ang sumira ng buhay ng estudyante, ang magpahirap at paano kung sa kanila pa natin makita ang mga ugaling masasama?
Walang Ama at Ina ang may gustong makitang nahihirapan ang mga anak. At lalong di sila papayag na walang matutunan ang mga ito at mas lalong hindi nila kayang makitang sinasaktan o nahihirapan ang kanilang mga anak. Ako, bilang isang estudyante, ok lang sa akin ang mahirapan sapagkat alam ko na parte iyon ng pag-aaral at saka walang problema sa akin yon kasi mas masaya at exciting kapag may “thrill” sabi nga nila. Pero ang di ko lang matanggap at ang ikina-iinis ko lang ay yung ginagawa mo lahat ng bagay para mapabuti ang iyong grado pero bakit parang hindi sapat sa kanila ang paghihirap? At bakit ganoon mag-isip at magdesisiyon ang mga “magulang” na ito? Daig pa ang mga bata.
Hindi ko sinasabing lahat ng guro ay ganito kung mag-isip. Nakakalungkot lang isipin na ang mga magulang sana na tutulong sa atin ay sya pang humihila sa atin pababa.
[Reaksyon:]
Hindi dapat ganoon ang ginagawa ng mga guro. Dapat pinapakita nila ang mabubuting ugali hindi ang masasamang asal. Minsan kasi ikinatutuwa pa nila kapag may pinahihirapan silang estudyante. Hindi rin dapat na mi-mersonal ang mga guro kung galit sila sa isang estudyante, hindi dapat ang grades ang binabawian. Dapat ini-iwasan din nila ang “Favoritism”. Dapat sila ang uma-alalay sa mga estudyante.