Saturday, July 23, 2011

KAPAG ANG BUHAY KO AY MAAYOS NA!

Posted by palacioslala


     Sa ngayon, kelangan ko pa muna mag-aral ng mabuti. Konting panahon na lang naman kaya dapat ko talaga pagbutihan.


     At kasabay ng pag-aaral ko, ang mangarap na kapag maayos na ang buhay ko at may sarili na akong trabaho at di ko na kakailanganin ang tulong nila.
Kapag ang buhay ko ay maayos na, din na nila ako makikita, di nila ako mapakikinabanagan lalo na ng mga taong wala naman naitulong sakin.

     Kapag ang buhay ko ay maayos na, tutulungan ko yung mga taong tumulong lang din sa akin at nagtyagang suportahan ako hanggang sa huli. At yun ung Papa ko, kahit puro sumbat ang ginagawa nya sa akin, di nya pa rin ako ini-iwanan.

     Kapag ang buhay ko ay maayos na, magiging mabuti akong Asawa sa mapapangasawa ko. Mamahalin ko sya habang buhay, pagsisilbihan , magiging tapat ako sa kanya at higit sa lahat, d I ko sya ipagpapalit.
     Kapag ang buhay ko ay maayos na ang susunod kng tutulungan ay ung Mama ko. Di man nya nagawa ang Obligasyon nya, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya at nag-silbi syang Inspirasyon ko.

     Kapag ang buhay ko ay maayos na, magiging mabuti akong Ina para sa mga anak ko. Pipilitin kong maging huwaran at  pinaka-cool na Nanay. Gusto ko na ipagmalaik din ako ng mga magiging Anak ko. Ibibigay ko lahat sa kanila ang mga bagay na wala ako.  Mamahalin ko sila kagaya ng pagmamahal ko sa sarili ko.

Saturday, July 16, 2011

Ang masaktan ka sa Pisikal at Emosyonal na paraan

Posted by palacioslala

Naranasan yo na bang apihin at masaktan? Di lang sa pisikal na paraan pero maging sa emosyon mo lagi kang nasasaktan at ina-api.

Ako? Oo. Hindi lang isa na kundi Madaming-madaming beses na, bata pa lang ako naransan ko na yon at hanggang ngayon patuloy ko pa rin nararamdaman yon.

Nakakalungkot isipin na ina-api ka, sinasaktan ng sarili mong pamilya.

Pisikal na pananakit:

  • Sasaktan ka kapag nakipag-kaibigan ka sa mga taong para sa kanila ay masamang impluwensya.
  • Sasaktan ka kasi nakikipag-Boyfriend ka.
  • Sasaktan ka kasi ginabi ka ng uwi dahil may ginawang projects, dahil umu-ulan kaya na-traffic at ginabi ka sa daan.
  • Sasaktan ka kapag sinagot mo sila dahil para sa kanila sinagot mo sila ng pabalang.
  • Sasaktan ka dahil di mo pinagbutihan ang pag-aaral mo.
  • Sasabihin sayo na "wala kang kwenta!" "wala ka namang naitu-tulong".
  • at di ka na lang lumayas dito?
  • Puro na lang problema dala mo!

Kahit ipaliwanag mo sa kanila yon, di ka pa rin nila maiintindihan at para sa kanila kapag sinagot mo sila "di mo sila ginagalang". At minsan kapag sinwerte ka, sakit ng katawan aabutin mo. Yun daw kasi ang paraan ng "pagdi-disiplina" nila.

Eh ang Emosyonal na pananakit?:
Alam nyo kung nakakamatay lang yung mga katumbas ng mga salitang yan, malamang sa alamang matagal na sana ako pinaglamayan.

 

Moon's Little Storyteller
Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos