Gusto ko lang i-share na kanina Baccalaureate Mass namin sa UDM. At take note bago ako umattend nito, galing pa ako sa work.. I know right, so walang tulog-tulog to. Pero keri lang saglit lang naman. Di naman sya ganon katagal eh.
Anyway, ayon na nga. So ayan na, konting kembot na lang at masasabi na naming "Tangina. Graduate na ako/tayo/kami!" At finally, makakatakas na kami sa assignments, reports, thesis, at sa nakakapagod na trabaho sa lugar kung saan kami nag o-OJT! Fuck Yeah!
Ganito lang ako pero mamiss ko din yung mga bagay na yun. Yung chill chill lang ang buhay. Fixed na restday (Sat - Sun). Di kagaya kapag talagang nagtatrabaho ka. Mamimiss ko din yung mga paborito kong linya nung nag-aaral pa ako. Yung mangongopya ka, manghihingi ka ng papel, mangbuburaot ng baon ng iba, yung uutusan ka ng professors mo kahit pa tamad na tamad ka, yung tatamabay kayo sa baba tas hihintayin yung professors nyo, syempre pati na rin yung announcements lalo na kapag may bagyo. Instant walang pasok yun. At higit sa lahat, yung memories na nagawa nyo ng mga shitty friends mo, yung kalokohan, yung tawanan, yung tampuhan at kung anu-ano pa. Hayyy. for sure nakakarelate din kayo dito.
So ito lang yung mga ilan sa pictures na gusto ko i-share sa inyo.