Ang sipag ko todayyyy *di naman sa pinupuri ko ang sarili ko ah, pero ansipag ko talaga* Hahaha, di naman na sakin bago to e. Pero kanina, ibang-iba ako.
Pag kagising ko, nag-exercise pa ako. Nung matapos, nag-sanggag ako tas nilagyan ko pa nga ng longganisang inisquare *Ganun talaga ata kapag nasa mood ka, balak ko pa nga sanang gawing heart e, pero baka di ko mapanindigan e*. Hahahaha :) After nun nag-saing ako*For Lunch yun*. Tapos nag-prito pa ako ng Longganisa ULIT kasi madami kami nun e. *At dahil madami nga kami nun, pinag-ekspirementuhan ko, sayang din yung limang piraso na nasunog lang. * LOL. Saka kasi ni-expect ko talagang may dadating ako bisita eh. Ayon, nabusog naman ako sa ginawa ko. :D
Mga 3 na ata nung sinabi ko kay Boyfriend na bumalik ng Annex kasi may ipapasang revisions sa Docu na ginagawa. Bago kami umalis, nagtusok-tusok pa kami*Kwek-kwek, hotdogs*. At ayon, lakad lakad at nakarating sa Mataang-Tubig, nakasakay. Pagdating namin ng Blumentritt, na-realize kung tangena naiwanan ko pala yung files na ipapa-print at ipapasa ko. Ayon, bumalik kami ulit sa bahay. *Niilipat ang Files, at lumarga na ulit*.
Pagdating namin ng Sta. Cruz, nagpa-print na ako. Punta ng Annex. Nagtataka kami kung bat walang tao. Pumanik, Nagtanong, sumagot ang Guard "Walang tao sa taas. Kanina pang 12 suspended ang klase" *Tangenang syet. Wala man lang nagsabi*... Sayang ang effort, gastos.
Pero di din naman sayang. I mean, nag-enjoy naman ako kasi magkasama kami ni Rvin Lining ng matagal-tagal. *Pinagbigyan ko, namiss daw ako e :>* Kumain sa McDo. Sya lang nabusog kasi sya lang ang nag-rice. LOL >:D
Nung pag-uwi, ayon pahirapan. Hirap talaga makasakay kapag gantong taag-ulan. Di pa naman ako yung tipong nakikipag-siksikan, yung tipong nakikipag-unahan. Kaya wait lang, kung meron man Salamat, Kung wala, magdadalawang sakay ako. Gusto ko kasi yung kumportable ako. Hahaha. Arte ko eh! At di na din ako nagpahatid pa sa Bf ko kasi baka pati sya mahirapan sa pag-uwi.
At dahil nga wala akong masakyang byahe na pa MCU, Malanday, BB, Monumento. Nag-blumentritt na lang ako. Pero dahil sa sobrang lakas ng ulan, bumabagal ang daloy ng mga sasakyan. Magdadalawang oras din aataa kami sa may Avenida sa sobrang bagal. Naiirita pa ako sa mga magdyowang kaharap ko kanina, lalo na yung babae. Ang ingay na nga, ang Harot pa. Tas dinagdagan pa ng babaeng pinagkaka-usap ako tungkol sa mga bagay-bagay. Kaya isa din yung sa mga dahilan kung bat ako bumaba ng Jeep at lumipa sa ibang Jeep. Di katagalan, nakakita din ako ng Jeep na byaheng MCU, ayoooon. Di pa din naman lusot sa problema pero atleast Okay ako sa nilipatan ko. Hanggang sa nakarating na yung Jeep sa Recto, kala ko bibilis na. Ganun pa din pala, mas traffic din dun kasi bumabaha na, hanggang tuhod din yun. Tas hanggang sa Bambang tapos antaas pa din ng tubig. Nakarating ng Blumentritt, traffic pa din at baha. Abad Santos, mataas din ang tubig, tumirik ang sasakyan hanggang sa napilitan akong lumusong sa baha. Di ko inexpect na gagawin ko yun, pero wala talaga akong choice plus dagdag pa tong tatay ko na text na ng text kaya ayon. Goooooo! Nakakatakot talaga sya kasi anlakas ng current ng tubog, feeling ko bibitaw yung shoes ko sa paa ko, tapos natatakot din ako baka ma-shoot ako sa mga kanal kanal. Konting maling lakad mo lang, disgrrasya ka na. E wala pang ilaw sa kanto ng Limay. Tangena talaga. Kinakabahan pako kasi di ko alam kung ano yung mga sumasabit sa paa ko. Baka mamaya nyan, ahas pala yun na galing sa maduming ilogggg. Buti talaga naka-survive ako. I"M SO GREATTTTT! :)
Yun ang aking malupit na adventure ngayong kasagsagan ng ulan ba o bagyo na? :))))