Saturday, December 29, 2012

Maximum Level ang Kilig! :))

Posted by palacioslala
My boyfriend once told me na tatawag daw sya kay Papa Jack. Hindi para magsumbong o magsabi tungkol sa problema nya. Gusto lang daw nya sabihin at iparinig sa lahat ng mga active listeners ni Papa Jack kung gaano sya ka-swerte sakin. :"""""""""""""""""""">

Hahahahahahaha. Kilig muchhhhh. :)

Monday, December 24, 2012

Merry Christmas, Strangers! :)

Posted by palacioslala

In an hour, it is officially Christmas. Yipee! Anong handa nyo? Pwede makikain? Hahahaha :) Sorry guys, we didn't put any efforts for this year's Christmas. Tamad, I know. :">

 So, obviously "SHAKEY'S" saves our tummy! Good thing we memorized their number. 

Just in case, tinatamad din kayo. Hahahaha  -> http://www.shakeyspizza.ph/ #77-777
Merry Christmas Dear! CHEERS! :)

Sunday, December 09, 2012

Day After our 2nd Anniversary!

Posted by palacioslala
Hi guys! Good eveningggg! Just got home. *Kasi dun na din ako natulog sa kanila kahapon* Ayon nga, galling kaming Ocean Park Yesterday! Ansaya! Especially the “Sea Lion Show”, Ang super-duper cute nila tas ang galling galingggg!. Sayang lang yung pagkakataon na yun e, Alam kong ako ang tinuro e, Hindi yung babaeng katabi ko. Hindi naman sya nagtaas ng kamay e. T.T *So close yet so far nga daw yung peg sabi ni Rvin – tas yung nang-aasar na fes!*

 “The Oceanarium” –I am expecting a long tunnel medyo na-disappoint ako kasi di sya ganun kahaba tulad ng inaasahan ko. Pero kahit papaano natuwa naman ako. hahaha

Lastly yung “Fish Spa” nila. Takot pa ako nung una e. Hahahaha, e kasi mukang nakakakiliti. E nakakakiliti nga naman talaga. Hahahahaha. Buti pa si Rvin, tuwang-tuwa sa galak. Hahaha. Pati yung mag-jowa sa harapan naming, tawa din ng tawa. Hahahahaha. Mukang ako nga lang ang hindi nakalubog yung paa dun. I tried it, little by little. Hahahahaha, konti lang lumalapit na isda *nainis siguro sakin kasi ang gulo ko* Hahahahaha.Kung kelan patapos na yung oras naming, dun ko pa na-enjoy. I don’t want to end it yet.

We missed “the bird Show”. Seyeng! Aga kasi naming umalis e. Di umabot.

At syempre, we took pictures. The camera went well. Lucky ussss! Dami naming pictures.




Saturday, December 08, 2012

Real-Time Sharing.

Posted by palacioslala
Hi Awesome! Thank you for reading my blog. Today is our 2nd anniversary. *Still can’t believe we’ll go this far without failing to love each other* :">

So today, we are going to “Manila Ocean Park”. There, we will celebrate our 2-years  of love. At this very moment we are preparing and having trouble because of this camera. *you know I can’t live without it. (just exaggerating) lol* Nagloloko kasi e. Di pwede wala kaming picture dun. Minsan lang sa isang taon to! 
Hahahahaha.Salamat kay Ate Glyn at kay Kuya Ren, sa tickets! J

Alis na us!

Bye fishes! Spread the love! <3

Tuesday, August 07, 2012

Online Diary - Kung anu-anong Sh*t

Posted by palacioslala
Ang sipag ko todayyyy *di naman sa pinupuri ko ang sarili ko ah, pero ansipag ko talaga* Hahaha, di naman na sakin bago to e. Pero kanina, ibang-iba ako.

Pag kagising ko, nag-exercise pa ako. Nung matapos, nag-sanggag ako tas nilagyan ko pa nga ng longganisang inisquare *Ganun talaga ata kapag nasa mood ka, balak ko pa nga sanang gawing heart e, pero baka di ko mapanindigan e*. Hahahaha :) After nun nag-saing ako*For Lunch yun*. Tapos nag-prito pa ako ng Longganisa ULIT kasi madami kami nun e. *At dahil madami nga kami nun, pinag-ekspirementuhan ko, sayang din yung limang piraso na nasunog lang. * LOL. Saka kasi ni-expect ko talagang may dadating ako bisita eh. Ayon, nabusog naman ako sa ginawa ko. :D

Mga 3 na ata nung sinabi ko kay Boyfriend na bumalik ng Annex kasi may ipapasang revisions sa Docu na ginagawa. Bago kami umalis, nagtusok-tusok pa kami*Kwek-kwek, hotdogs*.  At ayon, lakad lakad at nakarating sa Mataang-Tubig, nakasakay. Pagdating namin ng Blumentritt, na-realize kung tangena naiwanan ko pala yung files na ipapa-print at ipapasa ko. Ayon, bumalik kami ulit sa bahay. *Niilipat ang Files, at lumarga na ulit*.

Pagdating namin ng Sta. Cruz, nagpa-print na ako. Punta ng Annex. Nagtataka kami kung bat walang tao. Pumanik, Nagtanong, sumagot ang Guard "Walang tao sa taas. Kanina pang 12 suspended ang klase" *Tangenang syet. Wala man lang nagsabi*... Sayang ang effort, gastos.

Pero di din  naman sayang. I mean, nag-enjoy naman ako kasi magkasama kami ni Rvin Lining ng matagal-tagal. *Pinagbigyan ko, namiss daw ako e :>* Kumain sa McDo. Sya lang nabusog kasi sya lang ang nag-rice. LOL >:D

Nung pag-uwi, ayon pahirapan. Hirap talaga makasakay kapag gantong taag-ulan. Di pa naman ako yung tipong nakikipag-siksikan, yung tipong nakikipag-unahan. Kaya wait lang, kung meron man Salamat, Kung wala, magdadalawang sakay ako. Gusto ko kasi yung kumportable ako. Hahaha. Arte ko eh! At di na din ako nagpahatid pa sa Bf ko kasi baka pati sya mahirapan sa pag-uwi.

At dahil nga wala akong masakyang byahe na pa MCU, Malanday, BB, Monumento. Nag-blumentritt na lang ako. Pero dahil sa sobrang lakas ng ulan, bumabagal ang daloy ng mga sasakyan. Magdadalawang oras din aataa kami sa may Avenida sa sobrang bagal. Naiirita pa ako sa mga magdyowang kaharap ko kanina, lalo na yung babae. Ang ingay na nga, ang Harot pa. Tas dinagdagan pa ng babaeng pinagkaka-usap ako tungkol sa mga bagay-bagay. Kaya isa din yung sa mga dahilan kung bat ako bumaba ng Jeep at lumipa sa ibang Jeep. Di katagalan, nakakita din ako ng Jeep na byaheng MCU, ayoooon. Di pa din naman lusot sa problema pero atleast Okay ako sa nilipatan ko. Hanggang sa nakarating na yung Jeep sa Recto, kala ko bibilis na. Ganun pa din pala, mas traffic din dun kasi bumabaha na, hanggang tuhod din yun. Tas hanggang sa Bambang tapos antaas pa din ng tubig. Nakarating ng Blumentritt, traffic pa din at baha. Abad Santos, mataas din ang tubig, tumirik ang sasakyan hanggang sa napilitan akong lumusong sa baha. Di ko inexpect na gagawin ko yun, pero wala talaga akong choice plus dagdag pa tong tatay ko na text na ng text kaya ayon. Goooooo! Nakakatakot talaga sya kasi anlakas ng current ng tubog, feeling ko bibitaw yung shoes ko sa paa ko, tapos natatakot din ako baka ma-shoot ako sa mga kanal kanal. Konting maling lakad mo lang, disgrrasya ka na. E wala pang ilaw sa kanto ng Limay. Tangena talaga. Kinakabahan pako kasi di ko alam kung ano yung mga sumasabit sa paa ko. Baka mamaya nyan, ahas pala yun na galing sa maduming ilogggg. Buti talaga naka-survive ako. I"M SO GREATTTTT! :)

Yun ang aking malupit na adventure ngayong kasagsagan ng ulan ba o bagyo na? :))))

Dear Ulan

Posted by palacioslala
Dear Ulan, 

Madami ka ng pinahirapan. Madami na kaming napiperwisyo mo. Madami na kaming umay na umay na sayo. Kaya pwede ba, magpa-miss ka na naman. Mag-travel ka muna sa ibang bayan. Balikan mo na lang kami kapag di na binabaha ang Malabon, Nasa tamang level ang mga tubig sa Dam. At kapag init na init na ulit kami.



                                                      Nagmamahal, 
                                  Lala,ang batang gustong gumala.





Monday, July 02, 2012

Just like a bird, I am Freeeee! :)

Posted by palacioslala
Dati,

Kapag nadaan ako ng Mataang-tubig Basketball Court, di ako mapalagay. Paarang lagi na lang may hinahanap ang mata ko. Minsan naman kapag nakikita ko sya, kinakabahan pa ako. Di ko alam kung bakit.

Ngayon,

Nakakadaan na ako ng Basketball Court sa Mataang-tubig na dire-diretso, kahit tawagin nya ako, paringgan na “suplada” wala na sa akin. Minsan nga kahit nagkakatitigan kami, dedma na lang. Ngiti lang tas diretso sa paglalakad. Ansaya. :)


Sunday, June 24, 2012

Perfect Imperfections

Posted by palacioslala
As we all say, Nobody's perfect and we can't be perfect. But you know what? Sometimes, those imperfections makes you perfect in some way.

Imperfection #1 - height
I am small :) literally? lol. I love my height. Kasi natsa-challenged ako, kapag may kausap akong matangkad e.:)

Imperfection #2 - my head
Malaki daw ang ulo. Sabi ng isa kung kaklase pero feeling ko naman sapat lang.

Imperfection #3 - my nose
Di ganun ka tangos pero bumagay naman sakin. Diba? Saka mas matangos naman to kumpara sa ilong ng Ate ko :>

Imperfection #4 - my face
Kasi nung di ko pa alam na kapag kinutkot mo pala yung pimples mo, mag-iiwan ng mark. ayowns. Chaka ko tuloy.

Imperfection #5 - ang aking naglalakihang braso
Di alam kung bat ganito kalaki to e, pero sabi naman ng mga kalahi ko, nasa lahi daw talaga namin yun. Kaya kapag may nagtatanong sakin bat anlaki sinisisi ko ang aking mga ninuno. lol

Imperfection #6 - mga munting daliri ko
Maliit talaga sya e. Pero sabi nga ni Boyfriend, maliit man daw to madami naman tong nagagawa.

Imperfection #7 - hita (pata)
Isa pa to, malaki din yung hita ko kaya madalas snasabi ng mga kaklase ko, "pata" with feelings pa yun. Pero ok lang din, isa nga yan sa mga pinagmamalaki ko e.

Imperfection #8 - binti ko(di papahuli)
Siguro nung namigay ng "k" as in "kalakihan", nangunguna ako sa pila. Hahaha :))

Imperfection #9 - maliit, at mahina lang ang aking boses
Yun ang sabi nila, pero alam nyo, feeling ko kapag nagsasalita ako anlakas.(Feeling ko lang pala yun).

Pero ok lang din kahit ganun. kumbaga lahat naman ng imperfections na yun bumagay sakin. Kasi imaginin nyo nga naman, anliit ko tapos anlaki ng boses ko, anlaki ng daliri ko sa kamay. Diba? bumagay naman sya sakin e. Kaya walang pagsisisi. Salamat Lord. Alam ko naman na sa paningin mo, ang perfect ko :)


 

Moon's Little Storyteller
Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos