Saturday, June 25, 2011

KA-IBIGAN

Posted by palacioslala



Our professor told us(i mean Them *my classmates*, because i was absent when my Professor gave Homework) to write a poem about this topics [Love, Friendship, Religion or Family].  And i am thinking of Love(syempre no, kapag In-love ka yun ung una mo mai-isip. TAMAAAA?) saka medyo madami na din kasi ako nasusulat na poem tas tungkol pa sa Love.  Pero nung gabi, ewan ko ba Friends ko ung na-isip ko, tas medyo madami lumalabas na words sa utak ko na magkaka-ryhmm :) hahaha. Pero kasi gusto ko talaga yung topic na Love kaya naman aun, ung kinalabasan itoooo :)


Celso, Anna Lorraine P.

CT-32

Mr. Dolorosa 

KA-IBIGAN



Kalokohan, karanasan, kasawian,kasiyahan

pinaghahatian ng barkadang sabik sa kwentuhan.

Mga kaibigan kung The Best at makukulit,

kahit pa House and Lot, di ko sila pagpapalit.



Magkakaibigan man may kani-kaniya ng buhay at hiwa-hiwalay,

gumagawa talaga ng paraaan, magkita-kita lang ang  mga pasaway.

At pag-buo na ang tropa,

maghanda sa pasabog na dala.



Sakit man sa ulo ng mga magulang,

di naman nakakalimutang Gumalang.

Sobra-sobra man ang alam sa kalokohan,

nagiging matino naman kapag seryoso ang pinag-uusapan.



Minsan di maiiwasang mag-away at magkasamaan ng loob,

meron din namang nagkaka-developan at nakakapalagayan ng loob.

At kagaya ng story sa movie, may nasasawi sa huli,

pero anuman mangyari, nakakalimutan ang mga nangyari at magka-kaibigang muli.







Saturday, June 18, 2011

Inang Kalikasan (Lyrics)

Posted by palacioslala
Ikaw ay nalugmok sa mundo ng kawalang pag-asa
kawangis mo'y putik na tigib ng pagdurusa.
hanggang kailan ang lahat ay magwawakas 
at doon di'y bubulusok pagsiinta mong sadyang wagas.
Ngayo'y dumulog at sana'y tumugon sa inang naghahamon ...

Yakapin mo kaibigan ang ating mga pangarap
wag nating pabayaan ang ating kapaligiran.
May iisang mithiin pangalagaan kapaligiran
Tayo'y magsikap para sa inang kalikasan

Ngayo'ys si inang ay nasisira pangamba'y baka mawala
samyo ng hangin sa iyo's dumampi.
Bulong ni Ina'y pagdurusa't paghingi
wag sanag ipagwalang bahala ang iyak ng Inang nagmamaka-awa.

Ngayo'y dumulog at sana'y tumugon sa inang naghahamon ...

Kung walang karahasan at pandaraya
Kung ang lahat sana'y bangungot lamang malilimot kapagka-dakay ililibing sa gunita ahhh ..

Kailangan mo ako, kailangan din kita.
Damayan mo ako, at dadamayan din kita.
Sa lahat ng oras sa bawat panahon.
Ano mang prosesyon, Alagaan natin.

Sa lahat ng oras sa bawat panahon.
Alagaan natin ang Inang kalikasan ahhh ...
ang inang kalikasan ....


(Ito ung video. pakinggan nyo ung tono. Magagandahan din kayo.)

Monday, June 06, 2011

Demand ng mga propesor, Demand naming mga Estudyante.

Posted by palacioslala
UDM(Universidad De Manila) isang public school na itinatag ni Mayor Lim. Isa ako sa na libu-libong estudyanteng nag-test at pumasa sa nasabing paaralan. Magta-tatlong taon na ako nag-aaral at hanggang ngayon CT student pa rin ako(Information technology pa rin naman un, iba lang ang tawag samin.) At ni minsan di ko naransan o naramdaman ang pagbabago. Siguro sa ibang Department o branch ng school namin ramdam nila, pero sa Building namin, HINDI. Siguro ang ramdam ko lang na ngbago dun ay ang bagong DEAN. Pero sa usaping pagtuturo, school, mga kagamitan at ngayon ang enrollment. A big NOOOOOO!.


Sa isyung pagtuturo, may iilang propesor na masasabi mong, may natutunan ka, magaling sila at masipag pumasok. May ilan namang pumapasok pero ang ginagawa lang naman ay magko-kompyuter (ginawa pang props ang laptop nila pero nagpe-facebook lang naman. kala mo may ginagawang importante o kaya related sa course mo pero hindi naman). Ung iba naman pumapasok din pero di naman nagtuturo. Dami pa ida-dahilan pero tinatamad lang naman. Ang mga magagaling naman sa iilan lang din. Sila ung mga tipong di ka mahilig makinig pero kapag subject na nya talagang interesado ka. At meron namang mga propesor na ang hilig mam-bagsak pero di naman kagalingan sa pagtuturo. Yan ung mga epal na propesor pa VIP. Nagpe-feeling. Tangena talaga. Sa usaping kagamitan? dito kami talo. hahaha, kapag umu-ulan sa labas pati sa loob umu-ulan din. you know what i mean. Umu-ulan na nga mainit pa rin. Grabe talaga, manla-lagkit ka. May mga rooms naman na may aircon pero konti lang, tas ung mga computers ng school andaming sira tapos ung mga upuan mas madami pang sira kesa magagamit. Ang banyo, swerte ka kapag ikaw una gumamit ng banyo. At sa enrollment naman, andami nilang demand. Kelangan mo muna makompleto ung mga requirements, kelangan nakapapa-evaluate ka na. Kainis. Tapos ngaun, ung hinihiling lang nga mga estudyanteng tulad ko ay mag-release sila ng completion form. Di pa nila kami mapagbigyan. kasi bakit daw ni namin kagad inasikaso?? eh tangena kasalanan naman ng mga pa importanteng prospesor kung bakit di namin nakuha kagad kasi daw ganito busy sila, nagbakasyon. Andamot nila. Tapos ang nakakainis pa, 9 nila sisimulang asikasuhin ung mga nagpapa-enroll at 11-12 lunch break tapos ika-cut nila ng 3:00? what the f*ck. ambuti nila saming mg estudyante noh??


Kainis talaga. Ung mga propesor na toh kung makapag-DEMAND napaka-dami samantalagang kaming mag estudyante Classcards, Bluecards at forms lang pinagdadamot pa nila. Kelangan pa pahirapan yung mga estudyante.


Grabe. Edukasyon at plataporma sa UDM panis. ambaho. walang kwenta. BOW.
 

Moon's Little Storyteller
Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos